“Mga Dahilan Kung Bakit Maraming Tao ang Nalulubog sa UTANG”
By: CHINKEE TAN
May kilala ka ba na kasasahod pa lang ng sweldo pero ubos na agad ang pera dahil sa patong-patong na mga bayarin? May kilala ka ba na laging laman ng gimikan at laging nagsa-shopping pero baon naman sa Utang? May kilala ka ba na always nagp-post sa Facebook na lage siyang nag Out-of-Town at panay pasyal pero may problemang financial pala na pinagdadaanan? Huwag kang mag alala,dahil hindi lang ikaw ang nakapapansin na nag-e-exist ang mga ganitong tao,pati ako. Marami rin akong kilala na kung umasta ay #FeelingBlessed pero kung titingnan mo talaga at aalamin ang buhay pinansyal nila ay #FeelingStressed pala sila dahil sa malaki ang problema nila pagdating sa pera.
Ica-clarify ko lang na hindi naman masama ang mag enjoy at gamitin ang ating pera sa mga bagay na makapagpapasaya sa atin.Sabi nga ng iba,hindi natin madadala ang pera natin sa hukay kaya dapat ay mag enjoy habang nabubuhay. Agree ba kayo?Ako kasi hindi. Naniniwala kasi ako na ang pera ay hindi dapat ginagastos para sa mga luho para lamang masabing nag e-enjoy ka. Iniisip ko kasi yung kapakanan ng mga mahal ko sa buhay na maiiwan ko kung sakaling ako ay lumisan na sa mundong ito (Knock on the wood). Ayoko puro utang at sama ng loob ang iiwan ko sa kanila.Gusto ko happy sila at hindi ako magiging sakit sa ulo sa knila kahit sa mga huling sandali ng aking buhay.(Naks!)
Tandaan na ang sobrang pag gastos ay masama.Parang kanta ng QUEEN na “Too much Love Will Kill You” Sa paggastos. ” Too much Expenses Will Kill you”. Dahil kapag sobra ang ating expenses,tiyak na mauubos ang ating pera at ang pinakamasaklap pa ay maaari tayong mabaon sa patong-patong na utang.
Bukod sa sobrang paggastos narito ang ilan sa mga dahilan lung bakit maraming tao ang nagkaproblema sa kanilang pinansyal na kalagayan at nalulubog sa malaking utang.
1.GUMASTOS NANG MAHIGIT PA SA KINIKITA
Heto yung pangyayari na mas malaki ang ating gastos kumpara sa ating kinikita. Natural lang na kapag kapos ang ating badyet,mangungutang tayo para lang maibayad sa ating gastusin.Ang problema ay lumalaki nang lumalaki ang ating expenses pero hindi naman tumataas ang ating income kaya ang nangyayari ay nababaon tayo sa utang.
2. ANG TAONG AYAW IWANAN ANG BISYO
Ang taong mabisyo at pasarap ay kadalasang nababaon sa malaking pagkakautang. Napakarami ko ng kilala na mga taong mahilig sa sugal na baon sa utang. Alam naman natin na ang tinatawag na bisyo ay maituturing na rin na sakit na dapat gamutin.Kadalasan nga yung mga taong mabisyo sila yung hindi natatakot malubog sa utang.Kung hindi tayo magbabago at iiwanan ang bisyo sigurado akong lahat ng ating ari-arian ay mawawala sa atin at tiyak na malulubog tayo sa utang.
3.KAISIPANG YOLO “You Only Live Once”
Sigurado by this time ay nabasa nyo na ang May -ipon Diary, na libro ko at kilala nyo na si Paul Luvina siya yung taong naniniwala sa kasabihang YOLO or isang beses lang tayo mabuhay sa mundo kaya dapat ay mag enjoy ka na sa buhay. Alam nyo na rin siguro na nabaon sya sa utang dahil sa sobrang pag eenjoy niya. Sana ay iwasan natin ang kaisipang ito dahil kadalasan ito ang maging dahilan kung bakit tayo mababaon sa utang. Tama nga na isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito pero hindi ito dahilan para ubusin natin ang ating pera at mabaon tayo sa utang. Huwag mangutang para lamang mapagbigyan ang mga kapritso at kagustuhan.
4. PAGIGING SOBRANG MALUHO
Kapag sobrang maluho tayo,automatic yun na mababaon tayo sa utang ( lalo na kung hindi naman tayo mayaman). Alam nyo ba na ang tinatawag na “LUHO” ay ang sanggang-dikit o bestfriend ng UTANG? Yes they live in harmony ika nga ang ibig sabihin lang sabihin,kapag ang isang tao ay sobrang maluho sa buhay,asahan na natin na siya ay mayroon ding sobrang dami na utang. Travel dito,shopping dyan at kain duon.,yan ang itinerary ng taong maluho. Kaya mapapansin nyo sa mga taong labis sa dami ng luho,sila yung may maraming credit cards na hindi nababayaran at ang nakakalungkot sila yung baon sa utang.
5.HINDI FINANCIALLY LITERATE
Kapag ang isang tao ay financially literate,sigurado hindi rin siya magiging consciousn sa kanyang paggastos.Kulang kasi ang kaalaman nila na pangangalaga ng pera kaya ang akala nila ay unlimited na ang kanilang kinikita. Ang masakit pa ang mga taong hindi finacially literate ay kadalasang nagkukulang ang badyet kaya sa pangungutang sila ay kumakapit. Ang saklap diba?
Ang mga nabanggit ko sa itaas ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga Pilipino ay nababaon sa utang. Marami pang ibang dahilan at karamihan dito ay tinatawag na ” ATITTUDE PROBLEM” na kung tutuusin ay may pag asa pang baguhin. Ang pagkakabaon sa utang ay isang napakasakit na pangyayaring maaring dumating sa ating buhay pero hindi dapat tayo mag alala dahil hindi pa naman huli ang lahat.Kung tayo man ay naging biktima nito,kaya pa naman natin itong baguhin at pwede pa nating ayusin ang ating buhay. Tandaan ang kasabihan na ” Nasa diyos ang awa,nasa tao ang gawa.” Nasa desisyon ng isang tao kung siya ba ay magtatagumpay sa buhay o masasandlak sa problema,kasama na dito ang pagkakabaon sa utang.